Jun 1, 2005
goblin techies... the future of dota.

pumunta ako sa b-connected kanina at naglaro ng dota.. masasabi kong nahanap ko na siya...
siya na ang nag-iisang kulang aking buhay.. ang goblin techies.. iba talaga. grabe yun, talagang inaantay ko nalang dumaan sa aking trap ang mga studpidong kalaban at kaboom!!!! double kill or more.. dikhed is owning, sana pag tumagal ay marinig ko rin ang god like at please.. somebody stop him.. ngunit alam kong hindi magtatagal ay malalaman ko din un.. at sigurado na maglalaro ako sa linggo kaya chuk, migs at chester.. kita kits ulit sa linggo. ang sakit ng ulo ko ngaun, grabe talaga ang techies.. whew!!! pag uwi ko dito sa bahay eh kumain ako ng hapunan, hmm.. tinola ang aming ulam, at dis tym ay napaka sarap ng aming ulam at andaming kong nakain na papaya at manok, sobrang sarap. meju matino ata ang araw ng katulong namen.. at isa pag-uwi ko ay dinala ulit ng aking kapatid ang tuta ko sa laguna, sila na daw ang magbabantay.. hayup na.. baka ma-rape nanaman un.. sana hindi.. kawawa naman ang tuta ko. pinagsamantalahan ng ibang breed ng aso, at balak pa bumili ng kapatid ko ng isang dalmatian, kaya nagpagawa pa siya ng isang malaking kulungan.. sobrang laki ay kasya na ata kami magkakapatid dun.. ahihihi. sana eh maalagaan nila ang mga aso sa laguna.  at ngaun ay nag-dedebut ang aking kapitbahay na si hazel guerrero.. at pinapapunta niya ako ngunit ang mga bisita niyang babae ay parang mag-bebelly dancing ang japorms.. ewan ku ba kung bket ganun porma nung mga un.. pero marami pagkain at meju kumain nku hapunan kaya d nku nakakain ng handa niya. siguro after dis ay susunod ako dun kasi inuman tym na, un ang hindi  pinapalipas.. talaga naman.. nyaha!! sige kelngan ko na e-mail ang aking ama dahil manghihingi nanaman ako ng pera. next tym!

Posted at 06:33 am by dikhed
Make a comment  




May 31, 2005
ready for skul...

ayun, galing ako sa sm kanina para bumili ng aking mga necessity sa eswelahan.. bago ang lahat ay kumain muna kami ng kapatid ko sa domacs.. 3 large fries at large coke at isang cheeseburger ang aking tanghalian, natural hati kami ng kapatid ko sa fries, kaya ko ubusin un pero ayoko kumain ng sobra, sabi ng kapatid kong nurse.. masama ang sobrang fries, nakakabaog un. sabi ng kaibigan kong si rob.. dapat nga kumain ka ng maraming fries kasi potassium un eh, pamparami ng sperm.. oo nga pala isang comsci student si rob at d ko lam kung san niya natutunan un.. hmm.. sinu kaya paniniwalaan ko sa dalawa, basta alam ko da best ang fries ng domacs at da best ang shawarma para saken.. alang tatalo sa shawarma. sabi ko nga sa ate ko, magtatayo ako ng booth ng shawarma tapos ako lagi magbabantay.. kasi baka meh dumating na customer at unahan ako sa shawarma.. nyaha!!~!!! hayun, ang sarap. at bumili ako ng tatlong skool polo, ung meh slit para meju professional ang dating.. at dalawang pantalon na itim para hindi wash and wear ang pantalon ko.. ahihihi.. 3 pares ng itim na mejas para meju mukhang executive... itim na sapatos para disente ang dating at 6 na plain white shirt para labang tide ang dating. ang saya, bumili paku ng shorts na pambahay at payong dahil alam kong parating na ang tag-ulan, natuwa ako sa shorts ko dahil napaka lambot ng tela nito at umm.. ambango pa! nyaha!!! heto pag-uwi ko ay kumain nku ng hapunan na menudo, napaka sarap kahit bilang na bilang ang karne nito, putragis na katulong yan kapos nanaman ang luto. dinaan ko nalang sa malamig na tubig ang kakulangan sa ulam at pagkatapos ay nag-internet nku at nag-report sa aking napaka halagang blog. at heto nku ngaun. sige bukas nalang at baka bukas ay maglaro kami ng dota sa b-connected at baka maknuod ako ng sine pag umuwi ang kuya ko nguang gabi. babayu!

Posted at 05:30 am by dikhed
Make a comment  




May 30, 2005
its just one of those dayz..

gumising ako ng tanghali at nagmadaling pumunta sa eskwelahan para mag enrol. sinabay ako ng aking ate mag-enrol sa aming unibersidad.. nyaha!! ayun, at biglang sumulpot ang kanyang mga klasmeyt at ang pandakekok na klasmeyt na si bjorn na parang hatchery ang mukha..(ahihihi..) at bawat salita niya eh kelangan niyang magmura.. ewan ko ba. dati ganun din ako eh, bawat salita ko eh meh bad word sa huli, buti nalang ngaun eh meju iba na.. at talagang natuwa sakin ang lecheng bjorn na un dahil ang tangkad ko daw, sabi niya nasa 6 feet na daw ako, ang kulit nung tao na un, balak pa ata akong gawing laughing stock pero hindi manyayari un.. at nung meju naasar nku eh tinabla ko narin siya.. "pare, maliit ka lang talaga. kahit sa average filipino people, maliit ka talaga.".. at napatingin sakin ang mga kaibigan ng ate ko at napatingin ke bjorn(da stupid boy).. lahat ay tumahimik at sinabi ko sa ate ko na siya nalang magbayad ng tuition ko at baka bumulwak ang mukha ni bjorn ng wala sa oras.. kakagising ko lang sa umaga tapos balak pako gawing laughing stock ng taong d ko naman kilala.. napaka baliw ng taong un para gawin sakin un.. pasalamat siya at meju nasa matino pakong pag-iisip.. hayun at umalis nalang ako at umuwi. ayoko ng isipin un taong un, baka pag nakita ko ulit sa eskwelahan un eh magkakaalaman kami.. nyaha!!! at pagkauwi ko sa bahay ay natulog lang ako. sarap matulog pag malamig dahil meju umulan.. at kumain ako ng noodles pagkagising at nag-internet. pagdating ng hapon ay nag-uwi ang aking kapatid ng banana cake na meh choco chips..ewan ko kung anu un pero masarap, naubos agad namen ng kuya ko ang cake at sa huli ay nalaman naming hindi pa pala bayad un.. at 350 pala ung cake, buti nalang at tinawag ako ng kapitbahay at nakaligtas ako sa ate ko baka maghati pa kami ng kuya ko sa pagbayad ng cake. nyaha!! ang kuya ko lang ang nagbayad. sarap talaga kumain pag libre!! pagdating ng gabi ay kumain ako ng sandamukal na gulay ng chopsuey, napaka sarap kahit 1/4 lang ng manok ang ginamit na pansahog sa gulay, ewan ko ba kung san dinadala ng katulong namin ang laman ng aming ref, lagi nalang ubos.. dati nagluto ako ng kamote fries at gumamit ako ng iodized salt, isang bote pa un, nung kinabukasan eh ubos na daw ang iodized salt, ewan ko kung pano pinapak ng katulong namen ang iodized salt, siguro ay malala na ang goiter niya. nyaha!!! sige bukas nalang at lalabas paku.. next tym!


Posted at 08:45 pm by dikhed
Comment (1)  




May 29, 2005
midnyt blog..

haynku.. nanahimik ako kaninang tanghali at tumawag bigla ang aking friend.. inaayaya niya ako mag-dota. ngunit umuulan nun at sabi ko baka hindi ako makapunta.. hayun, pagdating sa dota nagbabago ang takbo ng buhay ko at ang takbo ang panahon.. tumigil ang ulan at naisipan ko munang maglaro ng dota.. kaya pumunta ako sa atc at hayun, naglaro kami ng dota.. as usual sinubukan ko ang mga dapat kong subukan at nanalo at minsan natatalo din kami. pero dats dota lyf, d pwedeng palagi kang panalo. its the fun and friendship dat we build.. at pagkatapos ay nat-etxt sakin ang aking mga kapatid at sabi nila ay pupunta rin daw sila ng atc at manunuod ng starwars, hayun sabi ko eh dun nalang kami mag-dinner kaya inantay ko ang mga kapatid ko sa atc habang naglalaro sa b-connnected(the place to be!).. at naglaro ako ng counterstrike, meju bano nku sa counterstrike kasi namatay ako.. once! awshit! dats not a good signal for me.. well.. meju matagal na kami d naglalaro nun.. at meh naglaro ng dota ngunit hindi ako sumali dahil any minute ay darating na ang aking mga kapatid at iiwanan ko rin ang game, sayang lang pag nagkulang sila ng isa dahil nawala ako at baka matalo sila.. nyaha!! at ayun tiyaga nalang sa counterstrike kahit kalaro ko na ang dating skulmates ko sa informatics na sina steve at eric, kahit ilang taon na silang naglalaro ng counterstrike ay.. hmm.. konti pa. ayun, dumating na ang aking mga kapatid at napag katuwaan nilang manuod ng starwars na kahit ayaw ku eh sumama narin ako kesa umuwi ako mag-isa. bumili ng ticket at kumain muna sa gerry's.. pagdating ng 10:10pm ay screening time na ng last full show at un na ang takdang oras para mapanuod ang "CHOSEN ONE!!!!".. hayun napakaganda  kahit meju badtrip si anakin dahil napaka tanga niya. pero iba si anakin, binutis si padme.. anakin iba ka~~!! nyah!! at heto umaga na pero kelangan magsulat sa blog!! tulog nku at dota ulit mikes!!!!! yuhhuu!!!!!

Posted at 10:33 am by dikhed
Make a comment  




May 28, 2005
haaayy dota.. anu bang ginawa mo sakin..

ngaung araw na toh eh inubus ko ang oras at pera sa atc.. punta ako sa b-connected kung san dapat nandun lahat ng kabataan.. at naglaro ako ng dota.. grabe na tong dota na toh.. ang saya grabe, lagi ako namamatay ngunit sa huli ay natatalo rin naman ang kalaban.. ang saya talaga maglaro pag kasama ang friends mo. ewan ko ba kung bket nagsasayang ako ng pera sa game na toh.. d naman ako ganun ka galing tulad ng mga kalaro ko ngunit naglalaro parin ako for hours and hours.. dahil siguro mas masaya talaga pag kalaro mo sila. minsan nga parang ayaw ko na pag namamatay ako pero pag nakapatay ako parang sobrang saya ko na dahil meju beginner lang naman ako sa game na un pero nakakpatay narin tsaka magaling ang aking guro na si chuky mikes. parang langgam lang ang kalaban sa kanya. haynku, ang saya, sana dun nalang kami nakatira sa b-connected lahat tapos maglalaro lang kami buong araw.. iba talaga ang b-connected grabe na talaga, at ang bantay.. naku!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! mas ginaganahan ako maglaro. parang natutumbasan na ng b-con atc ang b-con greenbelt pagdating sa bantay, ngunit sa atc ay isa lang, sa greenbelt ay lahat ngunit ang magagandang bantay ng b-connected greenbelt ay nawawala agad marahil ay binubuntis un ni james ang may-ari ng mga b-connected. james napaka talino mo at tinayo mo ang b-connected. at ang galing mo kumuha ng mga bantay.. talagang um... parang laging nag-iinit ang pc sa b-con.. haynku, sana sa martes ay makabalik nku sa las pinas at makapaglaro ulit sa b-con.. at ngaun lang kami nakauwi at kelangan ko na kumain dahil hindi paku nag-lunch at 11:30 na ng gabi.. babayu!!

Posted at 08:03 am by dikhed
Make a comment  




May 27, 2005
another day another something...

sinimulan ko ang araw na ito ng paggising ng maaga. practice nku gumising ng maga kasi ngaung parating na sem eh maga ung kinuha kung mga subject kaya kelangan magpractice. at meju sobrang aga ko nagising eh tulog pa lahat ng tao eh gising nku. at naalala ko na meh kukunin nga pala ako ke jeff(my gud gracious frend) na kahit 8 ng umaga ang klase niya ay naabutan ko siya dahil maaga ang aking gising. marami palang posibleng magagawa pag maaga ka nagising. yahuu!!! ayun, pagdating ng mga 10 am eh nakatulog ulit ako.. ahihihi. akala ko dire-diretso na pero pwede narin un bilang practice.. kaya kelangan ko matulog ng maga, minsan kahit d ako matulog ng maga eh nagigising parin ako ng maga, lalo na kung importante ang gagawin ko at kelangan talaga gumising ng maga. d ako nakkatulog sa klase o sa bus. experto na ata ako sa puyatan.. hehe..  at pagdating ng hapon eh dumating ang aking mahal na kapatid at meh dalang caramel popcorn. ang sarap ng popcron, pero iba parin talag ang holy kettle corn!! da best!!! kakaiba un, d mu malaman kung maasim o matamis, parang pinagsama sa isang bag at meh kasamang stars sa kalangitan at buwan sa gabing madilim at marami pang iba. sana matuloy ang lakad namen ni chuk bukas, ala aku magawa dito sa bahay, meju nawala na ung sipon ko pero ung ubo ko ganun parin.. hayup na sakit toh. ubos na ung gamot ko sa ubo mukhang mapapabili nanaman ako.. wala nakong pera!! sana makaalis nku dito sa bahay, ayoko maging taong bahay!! haynku! nasira pa ang aming tangke ng tubig, meh butas daw, kaninang umaga pa alang tubig buti nalang maga ako nagising at maga ako nakaligo tapos nung nagising ako bago magtanghalian eh naligo ako ulit, ginamit ko ung tubig na dapat pangababnlaw sa labada ng katulong namen.. ahihihi.. buti nlanag meh dumating na "VB" vulcanizing boyz! ayun tinapalan nila ang butas ng aming tangke at nakapag-padeliver na kami ng tubig.. presko na ang feeling. mahal nung singil nung mga VB, dalawa kasi sil.a eh.. 200 daw, kung sabagay mahirap din pumasok sa tangke at nilinis pa nila.. pwede narin siguro un, kaya lang kasi sa panahon ngaun eh mahirap na makadampot ng 200 at pwede ku na pang-dota un!! grabe, grabe, pagdating talaga ng pasukan eh maglalaro ako ng binggo sa starmall at baka manalo ako dun! nyaha!!! magbabasa nku ng mga skills sa dota kaya bukas nalang.. babayu!!

Posted at 04:06 am by dikhed
Make a comment  




May 26, 2005
badtrip tong sipon na toh...

haynku! meju pagaling na ung ubo  ko.. bumili ako isang bote ng solmux at naubos ko agad sa luob lang ng isang araw. sarap kasi eh!!! strawberry flavor pah!!! heto naman ngaun ang sipon ko.. grabe luluha nku sa sipon ko.. ngaun lang ako naranas ng ganito.. nanuod nga ako ng meteor garden kanina, akal nila iniyakan ko un eh naluluha lang ako dahil sa sipon. kaya nagpabili ako ng neozep sa katulong namen.. at meju matagal siya bago bumalik.. hayup na mga katulong yan, pag inutusan mu bumili sa palengke eh todo make-up pa at foundation.. naka japorms pah! putragis sa palengke lang naman pupunta.. tapos ung katulong pa namen ang lider ng KKK "Kapisanan ng mga Katulong sa Kalye" hayup na katulong yan! nakikipag flirt pa sa mga trabahador ng kapitbahay, minsan sa taga-deliver ng tubig, minsan nga sa basurero eh! pag inutusan mu mamalengke.. 9 na kami nakakapag-hapunan. putragis na mga katulong yan. haynku... sobrang grabe na ung sipon ko.. tinutusok ku nga ung ilong ko para ma-atsing ako tapos ilalabas ko ung atsing ko sa ilong ko paara kasabay ung mga sipon.. imagine niyo nalang ang itsura ku pagka-atsing ko galing sa ilong.. hmmm.. hindi maganda.. at dumating ang kuya ko galing sa bel-air, meh bahay din kasi sila dun eh.. tatlo na pwede mo tirahan na bahay dun sa bel-air. ung isang bahay eh meh multo na ata kasi alang tao, dun kami sa bahay ng lola ko, dun sa malaking bahay, astig ung dalawang matandang un, sa kanila ang meh stock ng mga beer!! lakas tagay un si lolo eh! at ayun meh dala silang pancit kaya naligtas nanaman kami mula sa pagkagutom sa meryenda, at sa dami ng meryenda eh mukhang hindi na kami mag-hahapunan. pag sobrang dami ng meryenda, d na kami nag-hahapunan kasi sobrang busog na kami. sige maglalagay nku ng mga kanta sa cellphone. bukas nalang ulit.

Posted at 04:06 am by dikhed
Make a comment  




May 24, 2005
ang tagal ng pasukan!

kalagitnaan ng summer at ang tagal ng pasukan.. sa 13 pa eh.. ala nku pera at bawat perang nakukuha ko ay inuubos ko sa dota. at na-rape pa ung aphso kong tuta, hayun kelangan pa tuloy pa-chek up kung buntis kasi d pa pwede manganak un kasi 6 months palang, pag d niya nakayanan manganak eh baka mamatay ung tuta ko.. huhu.. sad pupz~!! anyway, dagdag gastos pa ang chek-up nun at mauubusan nanaman aku ng pera. lahat ata ng tao ngaun prinoproblema ang pera, kung pwede nga lang magtratrabaho nalang ako kesa aral.. sa tingin ko mas maganda ang working attitude ko sa trabaho kesa aral kasi sa trabaho kumikita ka ng pera, pag kumita ka ng pera parang naabot mo ung mga gusto mo. pinagtra-trabaho naman ako sa amerika pero ayoko umalis dito sa pinas, iba rin kasi dito eh.. andito lahat ng dahilan ng pangarap ko eh.. iba talaga dito. pero iba parin ang tapos ng pag-aaral kaya binibilisan ko makatapos, nanghinayang ako sa isang taon na sinayang ko sa informatics pero minsan naisip ko na ok lang kasi malaki rin ang naitulong sakin nung isang taon sa info at mga naging kaibigan ko dun.. astig din ung mga un. kelngan ko na umalis, bukas nalang siguro ulit kasi meh inaantay pa ung kuya ko na tawag galing daw sa kung anu-ano. tong kuya kong pasaway na nag-job hopping lang palagi, every first sweldo d na papasok ng opisina, lipat trabaho.. ganun palagi. dalawang subject nalang nung college ayaw pang tapusin tanga tanga talaga tong kapatid ko. next tym at dadalhin ko ung tuta ko sa doctor. babayu!

Posted at 09:38 pm by dikhed
Make a comment  





don't take life too seriously, you might die early.


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed